Thursday, October 16, 2008

Pagsuot ng School Uniform

Wednesday, October 15, 2008

Pagsuot ng School Uniform

Ang pagpasok natin sa paaralan ay isa sa dahilan kaya tayo nagsusuot ng uniporme.
Ang pag-suot ng uniform ay isa din ito sa pagkakilanlan kung saan ka nag-aaral,mas maganda tingnan kung ikaw ay nag-susuot ng tamang uniporme hindi lamang ang nag-aaral ang nag-susuot ng uniporme pati na din ang nagtatrabaho.Lahat ng tao ay pwede mag-suot ng uniporme.Sapagka't kung tayo ay pupunta sa isang lugar na naka uniporme malalaman kaagad ng ibang tao kung saan ka nag-aaral, nagtatrabaho o saan kana bibilang.
Sa pagpasok natin sa paaralanng USEP ay makilala natina ang mga estudyanteng naka uniporme

at ang mga estudyanteng nagpupursigeng mag-aaral ara sa kinabukasan.

By: Arceli Estrada

Tuesday, October 14, 2008

SKOLAR

Sa panahon natin ngayon marami ng mga kabataan ang hindi nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay.Pero maraming opurtunidad na makapag-aral sila dahil sa mga scholarship na e'nooper ng mga mataas na opisyal at mga kompanya.

Dito ngayon sa USEP maraming mga studyante na mayroong scholarship, at isa na kami dun. Sa tulong ng "OPLAN KAALAM" ng nograles scholarship maraming mga kabataan ang nakapag-aral at matutupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. Bilang isang iskolar kailangan mong maging seryoso sa pag-aral at umiwas sa mga bagay na makakasira sa pag-aaral upang maging tagumpay tayo sa ating buhay. Kasi ngayon mahirap na ang magkaroon ng scholarship. Kaya kung mayroon tayo scholarship ingatan natin ito dahil makakatulong sa atin na matupad natin ang ating mga pangarap sa ating buhay.

BY:JOANNAH AGUNAT OG LOU-ANN GUINANG

Buhay Estudyante!

nina: Margielee Ale at Ederlin Abaquita

Ang buhay estudyante ay hindi basta- basta ngunit pinakamasayang bahagi sa buhay ng isang tao. Dahil dito nasusubok ang husay, talino at kakayahan ng estudyante sa loob at labas ng paaralan. Subalit ang hirap na pinagdaanan ng isang estudyante ay hinding- hindi makakapantay sa saya at ligaya na matatamo kung ang mga inaasam- asam ng mga parangal ay makakamit, at higit sa lahat ay ang malampasan ang bahaging ito sa buhay ng tao.

Hindi rin natin matatanggi na ang kaalaaman ay isang kayamanan na di mananakaw ninuman. Ngunit ito’y makakamit lang ng mga estudyanteng may tiyaga at may dedikasyon sa kanyang pag-aaral. Hindi maiiwasan ang problema na dulot ng pag-aaral at sinasabayan pa ito ng problema sa pamilya tulad ng pinansiyal at away pamilya. Ngunit huwag kang mabahala sapagkat ito’y nagpapatibay at nagpapatatag sa isang estudyante at para mahubog ang kakayahan at kanyang talento.

Buhay estudyante ay talagang mahirap malampasan kaya ang estado na ito ay hinding- hidi mo malilimutan at ito’y habambuhay na nakatatak sa puso’t isipan natin, kaya huwag mabahala sa dinadaanan mo sa iyong pag-aaral sapagkat sa dulo nito’y may tagumpay na naghihintay.

YAN ANG BUHAY ESTUDYANTE!


Estudyante Ka Ba Talaga?

Estudyante ka ba talagang tunay o kunwaring estudyante lang?
Marami sa mga estudyante ngayon ang hindi marunong sumunod sa mga batas sa paaralan. Marami rin ang mga estuyante ngayon na nagtatamad-tamaran at nagbubulag-bulagan sa mga obligasyon nila bilang estudyante. Hindi na bago sa mga paaralan ang mga ganitong bagay ngayon. Kagaya na lamang ng I.D o di kaya ng tamang uniporme. Maging responsible sana ang mga estudyante at huwag maging tamad na sumunod sa mga regulasyon sa paaralan. Ang hindi pagsuot ng tamang uniporme ay dapat sanang aksyonan o amyendahan ng mga security guard at pati na rin sana ng mga faculty at staff members ng unibersidad. Dapat sana ay maghigpit ng mabuti ang mga security guard sa pagpasok ng mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa mga alatuntunin sa unibersidad.
At hindi narin sana hinintay pa ng mga miyembro ng unibersidad ang memorandum galling sa “MalacaƱang” na “no ID no entry Policy”.
Dapat noon pa nila ito ipinasabatas para noon pa lang ay nadisiplina na ng mabuti ang mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa mga regulasyon sa unibersidad.
Kaya bawat estudyante may obligasyon sa isang paaralan. Panindigan natin na tayo ay responsibleng estudyante upang sa ganon malayo an gating mararating. Sarili rin natin ang makatutulong sa pag-unlad n gating paaralan. Kaya huwag tayong magtamad-tamaran at magbulag-bulagan upang tayo ay magin isang ganap na estudyante.

By:Ailane Joy Ferrer

Monday, October 13, 2008

ANG TAMANG PAGSUOT NG UNIPORME :Nina Mary Jane Santander at Terry Vic Asobe

Bakit nga ba mahalaga ang kaalaman sa tamang pagsuot ng uniporme?
Ang tamang pagsout ng uniporme ay isang mahalagang obligasyon bilang isang estudyante o mamamayan bilang bahagi ng isang komyunidad.
Ito ay isa sa mga alituntunin ng isang paaralan o unibersidad upang makilala ang isang institusyon.Maganda ring tingnan ang isang taong nagsusuot ng uniporme, nagpapakita ito kung anong posisyon at anong klaseng tao ang nasusuot nito.

Maraming mga estudyante ang walang pakialam sa kahalagahan nito. Binabalewala nila ito kesyo hindi masyadong mahigpit ang patakaran ng ating institusyon. Pero bilang mga estudyante hindi dapat natin abusuhin ang karapatan nating magpasya kung ano ang gusto nating suotin o kung paano natin ito isinusuot.

Sa kabuuan, maging responsable tayo at pahalagahan natin ang mga patakaran ng ating paaralan dahil maging ang mga autor nito ay may sariling rason kung bakit ito iniimplementar, sa ikagaganda at ikabubuti ng isang institusyon.

Saturday, October 4, 2008

SEMESTRAL BREAK: USEPian, Ano na? ni: Nellan Balili




Semestral break, ika nga ng nakakarami ito'y pananadaliang bakasyon ng mga estudyante at mga professor. Mula sa ating pagsusnog ng kilay, sa mga gabing pagpupuyat para gumawa ng ulatin, proyekto at takdang arain uang makamit ang minimithing GWA at sa pitong pisong regular fare na araw-araw ay ating dinudukot sa ating mga bulsa o di kaya’y wallet.
At ngayon dahil nalapit na an gating semestral break USEPian, ano na? USEPian, bago natin kalimutan ang lahat ng school works: mga proyekto, takdang aralin, at reports. USEPian, bago tayo mag-aliw sa ating bakasyon o di kaya’y umuwi ang ilan sa atin sa kani-kanilang mga probinsya, ay isipin nating wala tayong makakaligtaang makabuluhang datos na kinakailangan sa ating finals. Kapag walang iniisip na problema, disturbo ay magiging matiwasay ang ating bakasyon.
Huwag ding kaligtaan, USEPian na pasalamatan at bigyang rekognisyon ang mga taong nagbigay ng oras, panahon at tulong sa abot ng kanilang makakaya upang tayo’y mas mabuting tao hindi lamang sa aspetong pisikal kundi kabilang din sa aspetong emosyonal.
Sa ating mga magulang, sa pagiging palaging andyan hindi lamang sa pagtuturo sa ating pisikal na pangangailangan na walang sinumang tao sa balat ng lupa na makakapantay at makakapalit sa kanila sa ating mga puso. Salamat.
Sa ating mga professor, sa kanilang pagbabahagi at pagtuturo ng kanilang kaalaman, sa pagdi-disiplina sa ating mga hindi kanais-nais na Gawain at sa pagtayong pangalawang magulang natin ditto sa unibersidad. Salamat.
Sa ating mga ka-blockmates, pasasalamat ay dapat igawad sa kanila. Sa mga ngiti, tawa, halakhak at sa suporta na ibinabahagi ng bawat isa sa atin. Salamat.
Sa ating mga kasangga sa buhay, ka-tropa, ka-batak, ka-barkada at sa lahat ng tawag natin sa ating mga kaibigan. Sa kanilang balikat na ating sinasandalan, sa kanilang ibinigay na na payo mula sa pighati na bigay ng buhay. Salamat.
Sa mga taong ating nagging inspirasyon, na nagging dahilan saan gumuhit ito ng ngiti sa bawat labi natin. Salamat.
Sa ating Maykapal, sa Kaniyang kabutihan at higit na pagmamahal sa sangkatauhan. Sa pagiging “Great Provider”, na nagbibigay biyaya sa atin sa bawat araw na ipinagkaloob Niya. Salamat Panginoon.

USEPian, isipin natin kung …Ano na?

Tuesday, September 30, 2008

"ang nalalapit na eksaminasyon" nina: Nordelyn Lasaca at Girlie Balagulan

pressure ka ba sa nalalapit na eksaminasyon?
Kadalasan siguro ay ang sagot Oo.. Hindi natin maalintana ang kaba na ating nararamdaman kapag nalalapit na ang araw ba ito.Hindi lamang ang mga estudyante ang nakadama nito ngunit pati na rin ang mga guro na naghanda sa ating mga eksaminasyon. dahil sa kakulangan sa panahon nakadama tayo ng sitwasyon gaya nito. proyekto rito proyekto doon ang kadalasan nating marinig sa ating kapwa mag-aaral, insayo dito insayo doon kulang nalang hatiin ang katawan para matapos ng maaga ang nasabing proyekto. at paano ba natin ito masususlusyunan?makakaya ba natin ang lahat ng ito?Lahat ng estudyante ay may ibat ibang katanungan sa kani-kanilang sarili. syempre dapat talaga nating kayanin ang lahat ng pagsubok na darating sa ating buhay , lalong-lalong na na tayoy mga estudyante pa lamang .Dapat bigyan lang natin ng tamang hakbang kung saan tayo dapat magsimula at kung paano dapat natin gamitin ang athing panahon . alaam natin tayo rin ang makikinabang sa ating mga ginagawa kaya lobosin nalang natin ito. alam nating makakaya natin ito sa tulong na ating pamilya't kaibigan lalong lalo na sa poong maykapal kaya GO....GO....GO... kapwa mag-aaral at gawin natin ang ating makakaya............

Samahang Walang Iwanan

Sa dalawang taon kong pamamalagi sa kolehiyong ito, natutunan kong makisalamuha sa mga taong ni minsan ay hindi ko inaasahang maging kaibigan. Sa araw-araw kong pagpasok sa paaralang ito, sila ang mga sumbungan ko ng mga hinanakit na nararamdaman. May mga panahong kami'y nagtatawanan, kulitan, habulan, tuksuhan at kung minsan nama'y iyakan. Hindi mo rin maipagkakaila na may mga hindi pagkakaunawaan. Sa araw-araw ninyong pagkikita at pag-uusap, tiyak kabisado mo na siya mula ulo hanggang paa.

Hindi nawawala ang mga grupohang gawain o group works. sa aming grupo hindi maaalis na mayroong mga dependent. Lagi na lamang nagpapagawa ng gawaing bahay sa mga kaibigan. Sa ganitong mga pangyayari kami na lang ang umiintindi sa kanila. Subalit may mga panahon ding sila naman ang gumagawa para sa amin kumbaga "give and take". Ngunit mas marami mas masaya at madaling matapos, ika nga "two heads are better than one".

Sa panahong ako'y walangwala, sila ang aking mga sandigan.Hindi ko talaga makalimutan ang isang pangyayaring lalong nagpatatag sa aming samahan. Yaong mga panahong walang wala ako. Kahit alam kong naghihikaos din sila hukingi parin ako ng tulong. Kahit na mga advice lang okey na yon sa akin basta't nandiyan sila para sa akin.

Ngayon kahit na marami akong ginagawa hindi ko nakakaligtaang magtext sa kanila. Dahil alam kong nag-aalala din sila sa akin. Kaya sa lahat ng makakabasa nito naway mayroon din kayong mga kaibigan na inyong sandalan sa panahon ng kawalan.



Monday, September 29, 2008

RESPONSIBILIDAD MO BA, SA PAG-SOUT NG UNIPORME SA LOOB NG PAARALAN? ni Epal, Marlon at Caballero, Mel Chris.,

Sa ating paaralan, may mga batas na ipinatutupad ng mga guro at punong guro. At ito ay nakababatay sa mga mag-aaral,at isa ron ang pag-sout ng uniporme sa paaralan. Ito ay kinakailangan ng mga mag-aaral para sa paaralan at pati na rin matukoy sila kung sila ba ay mga studyante ng USEP. Ngunit sa aking napansin marami ring mag-aaral sa USEP na hindi tumutupad ng mga batas o alituntunin na nailaan sa kanila. Imbis na puting polo ang susoutin, ang sa iba ay magagarang damit. Dapat kung panahon ng pag-sout ng uniporme,dapat tayong mga studyante maging responsibilidad. At saka dapat ang mga mag-aaral maging responsibilidad sa pagsunod sa mga batas na naiplementa ng mga guro at punong guro sa ating Unibersidad. At dapat tayong mga studyante, huwag nating balewalain ang mga batas na ipinatutupad ng ating paaralan.

Thursday, September 25, 2008

NO TO PORNOGRAPHY!!!

ni Marwen L Lato

"Pornography is the manipulation of nude male and female form out of context, and into a position or posture that provokes the observers to think about possessing the body of the model for sexual pleasure". Ang pornograpiya ay maaaring nasa anyo ng compack disk, video tape, larawan, magazine at ngayo'y nasa "internet". Ito ay sumasang-ayon rin sa mga baluktot na sekswal na pantasya ng mambabasa at ang sunod na hakbang nito ay ang pagsasabuhay sa nabasa o sa mga nakikitang malalaswang imahe at " sa video".

Sa ibang kadahilanan, ang pornograpiya ay lantarang nakikita ito ng mga kabataan at mga batang nagsisimula pa lamang mahubog ang isipan, kaya'y hindi maipagkakaila na ito'y isa rin sa mga dahilan sa panibago, bugkos, maling pananaw ng mga kabataan sa seks. Napakalaki ang ginagampang papel ng magulang upang mailayo ang kanilang mga anak sa masamang dulot ng pornograpiya. Ang kanilang patnubay ang higit na kinakailangan.

Sa mga estudyanteng katulad natin, ang pagtangkilik sa pornograpiya ay masasabing mali. Sapagkat ito ay nagdudulot sa ating pagiging agresibo na pasukin ang mundo ng seks. Kaya ito ay kadalasang nauuwi sa magaang pag-aasawa o di kaya'y paggawa ng isang krimen, katulad ng panghahalay.

Naniniwala rin ako na hindi ito maka-Diyos at ito'y labag sa alituntuning maka-Kristiano. Ang paglaganap ng pornograpiya ay palatandaan ng pagkawasak ng moralidad at espirituwal ng tao. Nagdudulot ito ng maling damdamin, pananaw at paniniwala sa tunay na layunin ng Diyos sa seks. Panahon na para mahigpit nating ipagbawal ang pornograpiya, alang-alang sa magandang kinabukasan ng bawat kabataan, kababaihan at tahanan.


Tuesday, September 23, 2008

computer access sa elib by Jezzel Diez & Almira Aban

Ang mga studyante ngayon ay nangangailangan ng computer para magawa ang ilang mga proyekto o upang mapadali ang pagpasa ng proyektong mabilisan. Sa hirap ng panahon ngayon mas nanaisin ng mga studyante ang makalibre sa halip na magbayad ng napakamahal. Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral,may tinatawag na elib o electronic library sa loob ng unibersidad ng USEP, kung saan hinahayaan ang mga mag-aaral na gumamit ng mga computer.sa halip na mapadali ang proyekto, nagiging mabagal ito, sapagkat napakahina ng "access o loading" ng bawat computer. Saang computer unit ka man gumamit,ganun pa rin ang kinilalabasan. Mauubos na lang ang isang oras na laan para sa bawat isa hindi pa rin natatapos ang loading. dagdagan pa ng "virus" na s'yang dumidikit sa mga "files". Isang tanong lang ang aking iiwan para sa mambabasa, mas gugustuhin nyo bang gumamit ng computer na sobrang tagal kung magload subalit libre o sa may bayad na mga net cafe's ngunit napakabilis ng access?

Magandang Araw mga kapwa mag-aaral!



“NO I.D, NO ENTRY”

Nina Chenie Samillan, Liezyl Sapid,

Aileen Joy Ferrer at Yhannah Kris Gaking


Nagpalabas ng memorandum si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo sa lahat ng unibersidad na dapat lahat ng estudyante, faculty, staff at kahit na sino mang gustong pumasok sa paaralan ay dapat magsuot ng “Identification Card o I.D”. Kaya naman sa ngayon ay ipinapatupad ng ating institusyon ang panukalang NO I.D, NO ENTRY”. Sa kasalukuyan ay mahigpit ang siguridad ng mga guwardiya; ito rin ay upang makaiwas sa terorismo. Makikita talaga na kung walang I.D bawal pumasok at sila’y walang kinikilingan mapa guro o estudyante man.

Ipinapatupad ang panukalang ito upang magkaroon ng silbi ang ating I.D dahil halos lahat ng mag-aaaral kabialng narin kami ay hindi isinusuot; inilalagay lamang sa bag at bulsa. Makakatulong din ito upang matukoy kung saan nag-aaral ang isang estudyante. Dito rin masusuri kung disiplinado ba sila at kung marunong ba silang sumunod sa mga patakaran ng paaralan.

Kaya USEPIANS! Aja! Mag- I.D na!




BAKIT NGAYON LANG NAIMPLEMENTA

ANG "NO I.D, NO ENTRY"?

Nina Eduardo Gani, Rosell Villarmia at Angelo Lariosa


Alam nating lahat na ang I.D ay importante sa isang paaralan hindi lamang ditto kundi sa iba ring instituryon. Sa pagbukas pa lamang ng unang semester ay inimplementa na ang “NO I.D, NO ENTRY”. Subalit sa aming napansin ay hinhi ito nagging epektibo sapagkat nakakapasok pa rin ang mga estudyanreng walang I.D. Pero nitong huli ay sinunod na ang patakarang ito subalit para sa mga estudyante ay huli na ng ipinatupad ito sapagkat malapit ng matapos ang unang semester sa taong ito. Naging mahirap din ito para sa kanila sapagkat nakasanayan na nila ang hinhi pagsuot nito.

Ganun pa man, malaking tulong narin ito upang maiwasan ang terorismo sapagkat napapadalas na ang pambobomba ngayon lalong-lalo na sa Mindanao. At ang ating I.D ay isa ring pagpapatunay na tayo ay mag-aaral ng USEP.




TULA

nina Girlie Jean Balagulan at Mejoy Virador



I.D gaano ka ba kahalaga

Ikaw ba’y nagbibigay halaga

Sa mga batang nag- aaral pa

At ano nga ba ang gamit mo sa iba?


NO I.D, NO ENTRY

Patakaran kahit saan mang University

Sinusunod ba ito sa mga estudyante

Sa pagpasok nila sa paaralan palagi?


Binigyang pansin ba ang halaga mo

Sa mga estudyanteng gumagamit sayo

Ikaw nga ba’y dapat isuot

O gamit lang para makapasok?


Sadyang napakahalaga mo

Kaya’t dapat pahalagahan ka
Nang sumusuot sayo


NO I.D, NO ENTRY

Dapat talagang ipatupad

Lalong-lalo na sa malaking Unibersidad
Na kabilang dito sa ating siyudad.

"NO I.D. NO ENTRY"

by: Arlyn Narisma

Bakit kaya ang mga estudyante?

May I.D. na, kinalimutan pa

Sa simula ginagamit pa

Sa di lalaunan di na

Sabi nila

Pangit daw ang larawan nila

Eh! pangit ba sa personal ang mukha nila?

Bakit ba nahihiya gamitin ito?

Ngaun suot na suot na

Paano may rules at regulations na!

NO I.D. NO ENTRY!

Kaya si Dodong at si Ining

Lagi na suot ang I.D.!

Monday, September 22, 2008

"ESTUDYANTE KA BA?" nina Krehan John Dianne V. Santos at Leah Dee Suyman

Subukang humarap sa salamin at sa iyong sarili'y itanong, "Ako ba'y isang estudyante?" Siguro ika'y hindi makasasagot agad ng salitang "oo" at ika'y biglang makapag-iisip kung ano at kung sino ka sa iyong unibersidad na pinapasukan.

Ikaw nga'y nag-aaral, ginagawa ang lahat ng mga bagay para makakuha lamang ng mga malalaking marka sa pagbabasakaling mapasama sa listahan ng mgsa Dean's Listers o DL, pero kapag ikaw ba'y pumapasok sa loob ng paaralan, ikaw ba'y nakasuot ng uniporme? Unipormeng may nakAsabit na nektay at ID? Unipormeng ang nakasapaw na T-shirt sa loob ay hindi de-kolor kundi puti? Unipormeng ang pantalo'y maayos, kasing ayos sa iyong pinapasukang kagalang-galang na unibersidad? Ngayon, iyong sagutin ang katanungan, "Ikaw ba'y isang estudyante?"

Pagbaba sa jeep, ayon si Inday, saka pa lamang nagsuot ng ID sapagkat si Papay na guwardiya sa eskwelaha'y nakaharang sa gate, handang sumita ng mga estudyanteng walang suot na ID. Sa kabilang banda naman ay nandoon si Maria, may suot ngang ID pero wala namang suot na nektay kasi namann daw ay wala namang nakalagay na "NO NECKTIE, NO ENTRY," depensa pa ng lokong Maria. Si Ondo naman ay nakapolo nga pero wala paring pinagkaiba sa mga tambay sa kanto sapagkat polo'y hindi nakabotones at ang nakasapaw pa na T-shirt sa loob ay hindi puti kundi de-kolor at samahan pa ng pantalong punit-punit sa sadyang pinunit pararaw maging "unique" at 'yon daw ay "passion", ay este "fashion" pala.

Ang pangit tingnan, ang kagalang-galang at pinagmamalaking unibersidad ay binaboy ng mga estudyanteng kahit sa kanilang mga sarili'y mga walang galang din. Mag-isip at magmuni-muni. Magsuot ng tamang uniporme. Hindi na naman natin kailangan pa ng malaking saynbord sa loob ng paaralan na nagsasabing "NO ID, NO ENTRY," o kung ano pa man. Bigyan nating galang ang ating mga sarili at ang ating unibersidad na pinapasukan. Mas kaaya-aya sa loob hindi ba na sa susunod na itanong mo sa iyong sarili kung "AKO BA'Y ISANG ESTUDYANTE?," ay hindi ka na magdadalawang isip sa pagsagot ng salitang "OO, AKO'Y ISANG ESTUDYANTE SA LOOB AT SA LABAS!"

Thursday, September 11, 2008

"SCHOOL UNIFORM" ni Juralyn Lariosa ng Group 1

Bakit nga ba mahalaga ang pagsuot ng uniporme para sa isang paaralan? Isa sa mga patakaran ng UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES-COLLEGE OF GOVERNANCE, BUSINESS, AND ECUNOMICS mintal campus ay ang pagsuot ng school uniform upang malaman na ikaw ay lihitimung mag-aaral sa naturang paaralan. Magandang tignan sa isang unibersidad na nakasuot ng uniporme ang mga estudyante dahil sa bukod na ito'y kaayaayang tignan nakakatipid ka pa sa pagsuot ng iba't-ibang damit. Palatandaan ito ng isang paaralang may matibay na paniningdigan at pagkakaisa.

Tuesday, August 26, 2008

Responsibilidad ng mga Iskolar

Hindi maipagkakailang nakaramihan sa mga estudyante natin ngayon lalong lalo na ang mga nasa kolehiyo ay masasabi nating mga iskolar.Sila yung mga estudyante na dahil sa angking galing at talino ay nabibigyan ng pagkakataong makapag aral sa mga unibersidad.Maraming uri ng scholarship na iginagawad sa mga piling estudyante ,at karamihan sa mga sumusuporta rito ay ang mga nasa pampubliko at pribadong ahensya at ang iba pa rito ay sinusuportahan ng mga pulitiko.Ngunit kahit ano mang uring scholarship meron tayo, ang mahalaga ay magampanan natin ang responsibilidad na kaakibat nito. Bilang isang iskolar, responsibilidad nito na sundin ang bawat patakarang inilatag ng mga ahensyang gumagawad ng mga scholarship. Kalimitan sa mga patakarang ito ay ang pagpasa o pagpapakita ng magandang performance ng grado o hindi naman kaya ay ang pag abot sa nararapat na grado upang mapanatili ang pagiging isang iskolar.
Ilan sa mga scholarship na meron tayo dito sa ating unibersidad(University of Southeastern Philippines USEP) ay ang sumusunod, ang una, ito ang tinatawag na "NOGRALES SCHOLAR" kung saan sinusuportahan ito ng ating Former House Speaker Prospero Nograles,. Dito kinakailangan ng mga iskolar na maipasa ang kani-kanilang mga subject o unit upang mapanatili ang kanilang pagiging iskolar.Ang pangalawa ito naman ang tinatawag na "UNIVERSITY SCHOLAR", ang unibersidad ay may tinatawag na standard grade, kung maabot ito ng isang estudyante ay makakakuha siya ng prebilihiyo sa scholarship,kailangan lang dito na panatilihin ang matataas ang grado upang manatiling iskolar ng unibersidad.May tinatawag ding mga STUDENT ASSISTANT (SA) bilang isang S.A hindi lang talino kundi tiyaga ang kailangan sili ang tumutulong at naglilingkod sa unibersidad, halimbawa ng ginagawa nila ay pagtulong sa gawain sa library tuwing free time.
Bukod sa mga nabanggit, marami pang uri ng scholarship ang maaring e-vail ng mga estudyante. Kung sila talaga ay determinadong makapagtapos pero walang maigastos, ang scholarship ang isa sa mga magandang paraan para rito. Ang kailangan lang ay maging responsable at maging matiyaga sa pag aaral para hindi maaksaya ang opurtunidad na ibinigay ng ibang tao sa atin. Wika nga nila "Pag may Tiyaga may Nilaga....................."

Responsibilidad ng mga Iskolar

Tuesday, August 19, 2008

Iskolar ng USEP ni Aiza Crizel Adame


Sinasabi na ang iskolar ay isang libreng pag-aaral ng mga estudyanteng gustong makamit ang mga mithiing inaasan-asam. Ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng hirap sa pangtutos sa pag-aaral lalong-lalo na kapag papasok sa pamantasan ng kolehiyo. Sa University of Southeastern Philippines (USEP), ay isa sa mga Unibersidad ng Pilipinas na may iba't-ibang klasing iskolars. May mga scholarships na nanggagaling sa mga institusyon, mga pulitiko,sa gobyerno o maging sa mismong Unibersidad. Kadalasan sa mga ito ay nangangailangan ng mataas na marka. May mga iskolar rin na tinatawag na susidize o nagbibigay lang ng suportang pinansyal walang hinihinging mataas na marka. Mapapalad ang mga estudyanteng iskolar dahil bukod sa libreng matrikula, ang iba pa ay may natatanggap na allowance. Hindi maipagkakaila na karamihan sa sinasabing Unibersidad ay mga iskolars. Ngunit may mga iilang estudyanteng iskolar ay nagkaroon ng markang "INC" at minsan ay bumabagsak pa. Bakit ganun? May iba pa na mayabang kung umasta, ni hindi nga alam kung anong klasing iskolar meron sila. Ganyan ba ang tinatawag na iskolar? Hay naku, tingog USEPIANS!!!

Monday, August 18, 2008

MAGAAN ANG ISKOLAR

by: Joan CadeliƱa

Ang iskolar ay isang prilibihiyong sa bawat sektor.Itoy ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang makatapos ng pag-aaral.Itoy mahalaga sa lahat ng mga estudyante na nag-aaral sa isang
unibersidad.
Iskolar ay isang magaan pakinggan ng bawat mga estudyante.Itoy nakakatulong sa atin lalo na ngayon na nagkakahikahos.Ang iskolar ay mahalaga sa lahat ng mga estudyante sa ngayon.Itoy nakakatulong sa atin lalo na sa atin mga magulang.Magaan ang iskolar dalhin,pero kung may bagsak itoy nakakasama sa atin,ang iba ay hindi naitutuloy ang kanilang pag-aaral ang iba ay lumipat ng paralaan.
Sa lahat ng mga iskolar dito sa ating unibersidad ay dapat tulungan ang sarili para makamit ang mga pangarap.Mag-aaral ng mabuti huwag masyadong tamad sa pag-aarl.Pagbutihin natin itong lahat dahil ito lang ang nagbibigay sa atin ng pagkakataon para lang makapag-aaral.

Thursday, July 24, 2008

Magandang Araw Muli Mga Minamahal Naming Mambabasa!!!

By: Belle Colleen Bato

Isang bagong paksa na naman ang ating pag-uusapan sa posting naming ito. ang accreditation, kailangan nga ba ng pamantasan natin ito? Pag-uusapan natin, iparinig mo ang boses mo, TINGOG USEPIANS!!!!!!!!!
Bagong University Mission, Vission, at Objectives, adopt a classroom program at mas pinaigting na pagtatama sa uniporme, iilan lamang ito sa mga kakambal ng salitang accreditation. Kasali rin ang pagpapasaulo sa mga ustedyante ng bagong university VMGO. Dahil dito samu't saring mga komento ang aming naririnig, may mga umaalma at mayroon din namang sumasang-ayon, kaya halina't timbangin natin ang mga sakripisyong kaakibat nito.
Bilang isang pamantasang pinupondohan ng gobyerno/ higit na kailangan ng ating pamantasan ang pumasa sa ganitong proseso. Alam mo ba kung bakit? Naayon ang budget na inilalaan sa ating paaralan sa ating paaralan sa antas ng ating mga naipasang aplikasyon para sa accreditation ang perang dapat na ilaan para sa atin. Ang ibig sabihin nito kung mataas ang antas ay malaki rin ang ating perang matatanggap mula sa pamahalaan at vise- versa.
Isa rin sa mga benepisyong makukuha ng mga estudyanteng gradweyt ng Unibersidad na accredited ay mas mataas ang posibilidad ng pagkakatanggap sa trabaho. Higit ding mataas ang moralidad ng mga nagtapos sa pamantasang accredited.
Subalit malaki rin ang perang ibinubuhos ng ating pamantasan upang makamit ang minimithing accreditation. Pinaayos ang mga pasilidad at gumastos para sa mga fire extinguishers at marami pang iba. Subalit ang pinakamalaking responsibilidad sa pagpasa nito ay nakaatang sa mga balikat nating mga mag-aaral. Tumulong ka USEPIAN, ibangon mo ang karangalan ng ating paaralan, MAKIISA KA!

Tuesday, July 15, 2008

ANTI-SMOKING

SMOKERS DON’T GROW OLD…………………………………
by:Philip Dave Cajes & Belle Colleen Bato

Davao city,tinaguriang “MOST LIVABLE CITY” ng bansa. Makikita ito sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan,seguridad at pati na rin sa kalinisan. Subalit dagdag pa sa mga ito, tanyag din ang ating lungsod dahil sa tanging tayo lamang ang nagpapatupad ng Comprhensive Anti-smoking ordinance no. 0423, sang ayon na rin sa Tobacco Regulation act O Batas Pambansa blg. 9211.
Kabilang sa mga probisyon nito ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampumplikong lugar at sa pagpapatalastas at pagbibenta ng sigarilyo sa mga establisyementong gaya ng paaralan.Sa katunayan ay kinakailangang walang binibentang sigarilyo isang daang metro mula sa paaralan.
Bilang isang unibersidad sa lungsod ng Dabaw, Sinasalamin ba ng ating pamantasan ang pagbibigay pangil sa batas? Ilang mga karatula ba ang nabasa mo? At ang mas malaking katanungan, NASUNOD BA ANG NAKASULAT SA KARATULA? Boses mo ang kailangang marinig kaya……TINGOG NA USEPIAN


Karatula? Anong silbi mo?
Nina: Yhannah Kris Gaking at Eduardo Gani

Sa matataas na pamantasan, ano ba ang silbi ng karatulang “no smoking”? Isa lamang ba iyang disenyo o isang babala na dapat sundin? Nakakalungkot isipin na ang mga estudyanteng nakakabasa nito ay isinasawalang bahala lamang ito.
Naitatanong ba natin sa ating sarili kung bakit marami ang naninigarilyo gayong alam naman natin na ito’y walang mabuting epekto sa ating kalusugan? Ang katotohanag ito ay hindi maipagkakaila, halimbawa lamang ang ating paaralan, karamihan sa mga estudyante ay naninigarilyo kahit ubo na nang ubo, matigas ang ulo. Ganyan ba ang “estudyante ng bayan”? mukhang walang pinag-aralan.
May iba naman diyan, di nga naninigarilyo subalit nagbubulag- bulagan lamang. Imbes na pagsabihan ang mga adik na nilalang, dinadaanan lamang at walang pakialam.
Kaya USEPIANS, tingog! Isinggit sa katawhan! Kailan paba tayo kikilos?


MGA TAONG DAPAT NA UMAKSYON
Nina Rexter, Junalyn at Kezia


Isa sa karapatdapat na magtuon ng pansin laban sa mga SMOKER ay an gating mga guro dahil sila ang may karapatan sa pag-implementa ng mga alituntunin laban sa paninigarilyo sa loob ng kampus. Sila ay may mas maliking karapatan sa pagsita. Bilang mga guro ng isang institusyon may karapatan silang gumawa ng alituntunin laban sa paninigarilyo ng mga estudyante pati na ang mga taong nasa o part eng institusyon. Ngunit aminin man natin o hindi, tanggap man o di tanggap may mga guro na imbis na maging mga modelo ay sila pa mismo ang sumisira sa kanilang imahe bilang mga idolo. Ang mga guro ay dapat na siyang maging modelo sa mga estudyante laban sa pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng kampus. Upang maipatupad nila ang alituntuning ito at dapat sundin ng mga estudyante, kaylangan nilang maging modelo, modelo na nararapat na idolohin at tularan.. PAANO KAYA MANGYAYARI YON? Simple lang, sila dapat ang unang sumunod sa alituntunin at gawing posble na maipatupad ang batas laban sa paninigarilyo.



Tula
Nina Beltran at Ryan

Tingnan mo mula sa malayo
Animoy isang putting alapaap
Nang aking masamyo
Mabahong usok aking nalanghap

Akala moy nag-aaral sa lilim ng puno
Isang sigarilyo pala ang hawak ni Toto
Hindi mo baa alam na bawal ito?
Itoy isang gawaing hindi matino

Kung ikaw ang paaralan,
Nanaisin mo bang apakan?
Ditoy mag-aaral at natuto ng mabuting gawa
Isaisip mo sana ito, isapuso at isagawa

Disiplina ay dapat sa sarili manggaling,
Nang tayoy respetuhin ng kapwa natin
Nasa tabi lang at handa kang tanggapin
Kaya sigarilyo’y iwasan, kalusugan ay mahalin.


Mga USEPIAN,at sa lahat ng tao, itoy hindi pangungutya
isa lamang itong paalala na ang paninigarilyo ay nakakasama
sa kalusugan natin. Sana sa bawat hithit ay ating matanto na
habang umiikli ang sigarilyo ganun din ang nangyayari sa buhay mo.
Kaya nga SMOKERS DONT GROW OLD KASI THEY DIE YOUNG.



MAG-ISIP-ISIP KANA USEPIAN. KAILANGAN KA PA NG BAYAN