Tuesday, October 14, 2008

Buhay Estudyante!

nina: Margielee Ale at Ederlin Abaquita

Ang buhay estudyante ay hindi basta- basta ngunit pinakamasayang bahagi sa buhay ng isang tao. Dahil dito nasusubok ang husay, talino at kakayahan ng estudyante sa loob at labas ng paaralan. Subalit ang hirap na pinagdaanan ng isang estudyante ay hinding- hindi makakapantay sa saya at ligaya na matatamo kung ang mga inaasam- asam ng mga parangal ay makakamit, at higit sa lahat ay ang malampasan ang bahaging ito sa buhay ng tao.

Hindi rin natin matatanggi na ang kaalaaman ay isang kayamanan na di mananakaw ninuman. Ngunit ito’y makakamit lang ng mga estudyanteng may tiyaga at may dedikasyon sa kanyang pag-aaral. Hindi maiiwasan ang problema na dulot ng pag-aaral at sinasabayan pa ito ng problema sa pamilya tulad ng pinansiyal at away pamilya. Ngunit huwag kang mabahala sapagkat ito’y nagpapatibay at nagpapatatag sa isang estudyante at para mahubog ang kakayahan at kanyang talento.

Buhay estudyante ay talagang mahirap malampasan kaya ang estado na ito ay hinding- hidi mo malilimutan at ito’y habambuhay na nakatatak sa puso’t isipan natin, kaya huwag mabahala sa dinadaanan mo sa iyong pag-aaral sapagkat sa dulo nito’y may tagumpay na naghihintay.

YAN ANG BUHAY ESTUDYANTE!


2 comments:

tingogusepian said...

Jesler Lerdon,
.........Tama talaga ang lahat ng inyong sinabi sapagkat yan talaga ang aking nararanasan.. At hindi lng ako, tayong mga Estudyante ng USEp, lalo na ngayong magtatapos na ang unang semester, tayo ay sobrang abala sa mga requirements ng ating mga asignatura at ang mahirap pa, sabay-sabay itong nagsilabasan.
And masakit din nito ay ang hirap na dulot nd krisis ng ekonomiya, sa makatuwid ang problemeng pinansyal ay siyang pinaka kalaban nating mga estudyante.

tingogusepian said...

rexter----
totoo na ang buhay studyante ay mahirap sapagkat maraming gawain, asignatura at proyektong dapat gawin ngunit itoy mga pag hakbang sa sobok tongo sa kagalingan ng isang tao. kaming mga studyante ay nag sisikap na mag aral sa unibersidad na ito dahil sa kadahilang morang matrikula sa pagkat kami rin ay nag sisikap para maka tapos. sa pag aaral namin dito o tayo maraming mga studynte na schoolar ng ibat-ibang ahensiya ng goberno at ibang mga pribadong sektor, kaya naman gapat lang na pag butigan ang pag aaral sa UNIBERSIDAD na ito.