Monday, October 13, 2008

ANG TAMANG PAGSUOT NG UNIPORME :Nina Mary Jane Santander at Terry Vic Asobe

Bakit nga ba mahalaga ang kaalaman sa tamang pagsuot ng uniporme?
Ang tamang pagsout ng uniporme ay isang mahalagang obligasyon bilang isang estudyante o mamamayan bilang bahagi ng isang komyunidad.
Ito ay isa sa mga alituntunin ng isang paaralan o unibersidad upang makilala ang isang institusyon.Maganda ring tingnan ang isang taong nagsusuot ng uniporme, nagpapakita ito kung anong posisyon at anong klaseng tao ang nasusuot nito.

Maraming mga estudyante ang walang pakialam sa kahalagahan nito. Binabalewala nila ito kesyo hindi masyadong mahigpit ang patakaran ng ating institusyon. Pero bilang mga estudyante hindi dapat natin abusuhin ang karapatan nating magpasya kung ano ang gusto nating suotin o kung paano natin ito isinusuot.

Sa kabuuan, maging responsable tayo at pahalagahan natin ang mga patakaran ng ating paaralan dahil maging ang mga autor nito ay may sariling rason kung bakit ito iniimplementar, sa ikagaganda at ikabubuti ng isang institusyon.

5 comments:

tingogusepian said...

MARGIELEE ALE,
...........sang-ayon ako sa pagsuot nang uniporme sapagkat itoy nakakatulong din naman sa pagpapaganda ng paaralan, sa pamamagitan ng tamang pag suot ng uniporme napapanatili din nito ang magandang imahe ng paaralan.
Ito rin ay simbolo ng pagkilala at pag tanggap na tayo ay isang mag aaral ng USeP,At dahil dito binibigyan din natin ng importansya ng pagpapahalaga ang ating alma mater.

tingogusepian said...

Ederlin Abaquita,
........tamang pag suot ng uniporme ay dapat lang talagang ipatupad dahil dito nakikilala ang mga estudyanteng nag susuot ng uniporme sa paaralang pinag aaralan nila. At sa mga nagpapatupad naman nito ay dapat maging modelo sila upang maniwala at sumunod ang mga estudyante.

Angelo Jose LAriosa said...

Ang tamang pasuot ng uniporme ay isa sa batas ng isang paaralan o unibersidad na sadyang dapat ipatupad at sundin ng mga nasasakupan nito. Ang pagsuot ng uniporme ay isa sa mga palatandaan na ikaw talaga ay isang estudyante o mag-aaral kaya ang lahat ng mga estudyante ay dapat na magsuot ng tama at maayos na uniporme at hindi 'yong papasok sa paaralan na walang ID, nektay o nakadekolor na sapaw na T-sirt sa loob ng mga polo ng mga nag aastang tigasin sa loob ng unibersidad.

vanish bubbles said...

Sa pagiging estudyante maiging sumunod sa batas na ipinatupad ng paaralan sapagkat ito ay nakakabuti at maaya ayang tingna sa lahat ng estudyante. Sa pagsusuot din nito ay nagpapakita ng respeto at masasabi natin na kayo ay mga mabuti at nagbibigay respeto sa inyong pinapasukan..Yan ang isa sa mga naibabahagi ninyong kabutihan sa paaralan ang pagsuot ng maayos na uniporme at paggamit nito ng maayos..

Joey P.Eting said...

Ang pagiging estudyante ay dapat sumonod sa batas ng paaralan.at ng pag suot ng uniporme ay isang napakahalagang sa aging paaralan upang manatili ang ang kalinisan/ng mga mag aara.higit salahat bilang isang mag aaral tungkoling igalang ang kapakan ng ating paaralan.