Tuesday, September 30, 2008

Samahang Walang Iwanan

Sa dalawang taon kong pamamalagi sa kolehiyong ito, natutunan kong makisalamuha sa mga taong ni minsan ay hindi ko inaasahang maging kaibigan. Sa araw-araw kong pagpasok sa paaralang ito, sila ang mga sumbungan ko ng mga hinanakit na nararamdaman. May mga panahong kami'y nagtatawanan, kulitan, habulan, tuksuhan at kung minsan nama'y iyakan. Hindi mo rin maipagkakaila na may mga hindi pagkakaunawaan. Sa araw-araw ninyong pagkikita at pag-uusap, tiyak kabisado mo na siya mula ulo hanggang paa.

Hindi nawawala ang mga grupohang gawain o group works. sa aming grupo hindi maaalis na mayroong mga dependent. Lagi na lamang nagpapagawa ng gawaing bahay sa mga kaibigan. Sa ganitong mga pangyayari kami na lang ang umiintindi sa kanila. Subalit may mga panahon ding sila naman ang gumagawa para sa amin kumbaga "give and take". Ngunit mas marami mas masaya at madaling matapos, ika nga "two heads are better than one".

Sa panahong ako'y walangwala, sila ang aking mga sandigan.Hindi ko talaga makalimutan ang isang pangyayaring lalong nagpatatag sa aming samahan. Yaong mga panahong walang wala ako. Kahit alam kong naghihikaos din sila hukingi parin ako ng tulong. Kahit na mga advice lang okey na yon sa akin basta't nandiyan sila para sa akin.

Ngayon kahit na marami akong ginagawa hindi ko nakakaligtaang magtext sa kanila. Dahil alam kong nag-aalala din sila sa akin. Kaya sa lahat ng makakabasa nito naway mayroon din kayong mga kaibigan na inyong sandalan sa panahon ng kawalan.



1 comment:

tingogusepian said...

Terry Vic said....
Bilang isang mag-aaral, ang pagkakaroon ng grupo o samahan ay bahagi sa buhay ng isang estudyante.. OO, tama sya, napaka makulay ang buhay pag ang iyong mga kaibigan ang ating makakasama sa araw-araw na pagpasok sa paaralan isa sila sa mga sandigan at kakampi sa anumang unos na dumadating sa ating buhay..kayat dapat nating pahalagahan ang mga pagkakataon sa mga araw na kasama natin sila..."Love Your friends as you love your self"