Tuesday, September 23, 2008
computer access sa elib by Jezzel Diez & Almira Aban
Ang mga studyante ngayon ay nangangailangan ng computer para magawa ang ilang mga proyekto o upang mapadali ang pagpasa ng proyektong mabilisan. Sa hirap ng panahon ngayon mas nanaisin ng mga studyante ang makalibre sa halip na magbayad ng napakamahal. Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral,may tinatawag na elib o electronic library sa loob ng unibersidad ng USEP, kung saan hinahayaan ang mga mag-aaral na gumamit ng mga computer.sa halip na mapadali ang proyekto, nagiging mabagal ito, sapagkat napakahina ng "access o loading" ng bawat computer. Saang computer unit ka man gumamit,ganun pa rin ang kinilalabasan. Mauubos na lang ang isang oras na laan para sa bawat isa hindi pa rin natatapos ang loading. dagdagan pa ng "virus" na s'yang dumidikit sa mga "files". Isang tanong lang ang aking iiwan para sa mambabasa, mas gugustuhin nyo bang gumamit ng computer na sobrang tagal kung magload subalit libre o sa may bayad na mga net cafe's ngunit napakabilis ng access?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment