ni Marwen L Lato
"Pornography is the manipulation of nude male and female form out of context, and into a position or posture that provokes the observers to think about possessing the body of the model for sexual pleasure". Ang pornograpiya ay maaaring nasa anyo ng compack disk, video tape, larawan, magazine at ngayo'y nasa "internet". Ito ay sumasang-ayon rin sa mga baluktot na sekswal na pantasya ng mambabasa at ang sunod na hakbang nito ay ang pagsasabuhay sa nabasa o sa mga nakikitang malalaswang imahe at " sa video".
Sa ibang kadahilanan, ang pornograpiya ay lantarang nakikita ito ng mga kabataan at mga batang nagsisimula pa lamang mahubog ang isipan, kaya'y hindi maipagkakaila na ito'y isa rin sa mga dahilan sa panibago, bugkos, maling pananaw ng mga kabataan sa seks. Napakalaki ang ginagampang papel ng magulang upang mailayo ang kanilang mga anak sa masamang dulot ng pornograpiya. Ang kanilang patnubay ang higit na kinakailangan.
Sa mga estudyanteng katulad natin, ang pagtangkilik sa pornograpiya ay masasabing mali. Sapagkat ito ay nagdudulot sa ating pagiging agresibo na pasukin ang mundo ng seks. Kaya ito ay kadalasang nauuwi sa magaang pag-aasawa o di kaya'y paggawa ng isang krimen, katulad ng panghahalay.
Naniniwala rin ako na hindi ito maka-Diyos at ito'y labag sa alituntuning maka-Kristiano. Ang paglaganap ng pornograpiya ay palatandaan ng pagkawasak ng moralidad at espirituwal ng tao. Nagdudulot ito ng maling damdamin, pananaw at paniniwala sa tunay na layunin ng Diyos sa seks. Panahon na para mahigpit nating ipagbawal ang pornograpiya, alang-alang sa magandang kinabukasan ng bawat kabataan, kababaihan at tahanan.
Thursday, September 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
sumasang-ayon ako na ang pornograpiya ay nakakasama sa moralidad ng bawat kabataan at lalong-lalo na sa mga estudyante sa ngayon....dagdag pa dito ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya kung saan may madali at mabilis na "access" ang mga kabataan sa pornograpiya..
Post a Comment