Tuesday, September 23, 2008

Magandang Araw mga kapwa mag-aaral!



“NO I.D, NO ENTRY”

Nina Chenie Samillan, Liezyl Sapid,

Aileen Joy Ferrer at Yhannah Kris Gaking


Nagpalabas ng memorandum si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo sa lahat ng unibersidad na dapat lahat ng estudyante, faculty, staff at kahit na sino mang gustong pumasok sa paaralan ay dapat magsuot ng “Identification Card o I.D”. Kaya naman sa ngayon ay ipinapatupad ng ating institusyon ang panukalang NO I.D, NO ENTRY”. Sa kasalukuyan ay mahigpit ang siguridad ng mga guwardiya; ito rin ay upang makaiwas sa terorismo. Makikita talaga na kung walang I.D bawal pumasok at sila’y walang kinikilingan mapa guro o estudyante man.

Ipinapatupad ang panukalang ito upang magkaroon ng silbi ang ating I.D dahil halos lahat ng mag-aaaral kabialng narin kami ay hindi isinusuot; inilalagay lamang sa bag at bulsa. Makakatulong din ito upang matukoy kung saan nag-aaral ang isang estudyante. Dito rin masusuri kung disiplinado ba sila at kung marunong ba silang sumunod sa mga patakaran ng paaralan.

Kaya USEPIANS! Aja! Mag- I.D na!




BAKIT NGAYON LANG NAIMPLEMENTA

ANG "NO I.D, NO ENTRY"?

Nina Eduardo Gani, Rosell Villarmia at Angelo Lariosa


Alam nating lahat na ang I.D ay importante sa isang paaralan hindi lamang ditto kundi sa iba ring instituryon. Sa pagbukas pa lamang ng unang semester ay inimplementa na ang “NO I.D, NO ENTRY”. Subalit sa aming napansin ay hinhi ito nagging epektibo sapagkat nakakapasok pa rin ang mga estudyanreng walang I.D. Pero nitong huli ay sinunod na ang patakarang ito subalit para sa mga estudyante ay huli na ng ipinatupad ito sapagkat malapit ng matapos ang unang semester sa taong ito. Naging mahirap din ito para sa kanila sapagkat nakasanayan na nila ang hinhi pagsuot nito.

Ganun pa man, malaking tulong narin ito upang maiwasan ang terorismo sapagkat napapadalas na ang pambobomba ngayon lalong-lalo na sa Mindanao. At ang ating I.D ay isa ring pagpapatunay na tayo ay mag-aaral ng USEP.




TULA

nina Girlie Jean Balagulan at Mejoy Virador



I.D gaano ka ba kahalaga

Ikaw ba’y nagbibigay halaga

Sa mga batang nag- aaral pa

At ano nga ba ang gamit mo sa iba?


NO I.D, NO ENTRY

Patakaran kahit saan mang University

Sinusunod ba ito sa mga estudyante

Sa pagpasok nila sa paaralan palagi?


Binigyang pansin ba ang halaga mo

Sa mga estudyanteng gumagamit sayo

Ikaw nga ba’y dapat isuot

O gamit lang para makapasok?


Sadyang napakahalaga mo

Kaya’t dapat pahalagahan ka
Nang sumusuot sayo


NO I.D, NO ENTRY

Dapat talagang ipatupad

Lalong-lalo na sa malaking Unibersidad
Na kabilang dito sa ating siyudad.

"NO I.D. NO ENTRY"

by: Arlyn Narisma

Bakit kaya ang mga estudyante?

May I.D. na, kinalimutan pa

Sa simula ginagamit pa

Sa di lalaunan di na

Sabi nila

Pangit daw ang larawan nila

Eh! pangit ba sa personal ang mukha nila?

Bakit ba nahihiya gamitin ito?

Ngaun suot na suot na

Paano may rules at regulations na!

NO I.D. NO ENTRY!

Kaya si Dodong at si Ining

Lagi na suot ang I.D.!

No comments: