By: Belle Colleen Bato
Isang bagong paksa na naman ang ating pag-uusapan sa posting naming ito. ang accreditation, kailangan nga ba ng pamantasan natin ito? Pag-uusapan natin, iparinig mo ang boses mo, TINGOG USEPIANS!!!!!!!!!
Bagong University Mission, Vission, at Objectives, adopt a classroom program at mas pinaigting na pagtatama sa uniporme, iilan lamang ito sa mga kakambal ng salitang accreditation. Kasali rin ang pagpapasaulo sa mga ustedyante ng bagong university VMGO. Dahil dito samu't saring mga komento ang aming naririnig, may mga umaalma at mayroon din namang sumasang-ayon, kaya halina't timbangin natin ang mga sakripisyong kaakibat nito.
Bilang isang pamantasang pinupondohan ng gobyerno/ higit na kailangan ng ating pamantasan ang pumasa sa ganitong proseso. Alam mo ba kung bakit? Naayon ang budget na inilalaan sa ating paaralan sa ating paaralan sa antas ng ating mga naipasang aplikasyon para sa accreditation ang perang dapat na ilaan para sa atin. Ang ibig sabihin nito kung mataas ang antas ay malaki rin ang ating perang matatanggap mula sa pamahalaan at vise- versa.
Isa rin sa mga benepisyong makukuha ng mga estudyanteng gradweyt ng Unibersidad na accredited ay mas mataas ang posibilidad ng pagkakatanggap sa trabaho. Higit ding mataas ang moralidad ng mga nagtapos sa pamantasang accredited.
Subalit malaki rin ang perang ibinubuhos ng ating pamantasan upang makamit ang minimithing accreditation. Pinaayos ang mga pasilidad at gumastos para sa mga fire extinguishers at marami pang iba. Subalit ang pinakamalaking responsibilidad sa pagpasa nito ay nakaatang sa mga balikat nating mga mag-aaral. Tumulong ka USEPIAN, ibangon mo ang karangalan ng ating paaralan, MAKIISA KA!
Thursday, July 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
by:melcris caballero
Para sa akin dapat na tayo ay sumunod sa alituntunin dahil itoy para rin ito sa ating ikabubuti. Ang ginagawa ng administrasyon ay para madisiplena tayong mga estudyante. At ang ginagawang accreditation ay para madaragdagan pa ang ating kaalaman para kapag tayo ay nakapagtapos sa univeridad na ito ay may mabaon tayong mga kaalaman.yun lang
by:Epal_human
epal_dapat,isaulo ng mga mag-aaral ang mga batas o mga alituntunin ng ating paaralan. Dahil walang masama dun,at itoy nag bibigay panuto sa atin. At saka dapat sapat ang itumbas na serbisyo sa mga mag-aaral at walang kulang. yun lang
Post a Comment