Monday, September 22, 2008

"ESTUDYANTE KA BA?" nina Krehan John Dianne V. Santos at Leah Dee Suyman

Subukang humarap sa salamin at sa iyong sarili'y itanong, "Ako ba'y isang estudyante?" Siguro ika'y hindi makasasagot agad ng salitang "oo" at ika'y biglang makapag-iisip kung ano at kung sino ka sa iyong unibersidad na pinapasukan.

Ikaw nga'y nag-aaral, ginagawa ang lahat ng mga bagay para makakuha lamang ng mga malalaking marka sa pagbabasakaling mapasama sa listahan ng mgsa Dean's Listers o DL, pero kapag ikaw ba'y pumapasok sa loob ng paaralan, ikaw ba'y nakasuot ng uniporme? Unipormeng may nakAsabit na nektay at ID? Unipormeng ang nakasapaw na T-shirt sa loob ay hindi de-kolor kundi puti? Unipormeng ang pantalo'y maayos, kasing ayos sa iyong pinapasukang kagalang-galang na unibersidad? Ngayon, iyong sagutin ang katanungan, "Ikaw ba'y isang estudyante?"

Pagbaba sa jeep, ayon si Inday, saka pa lamang nagsuot ng ID sapagkat si Papay na guwardiya sa eskwelaha'y nakaharang sa gate, handang sumita ng mga estudyanteng walang suot na ID. Sa kabilang banda naman ay nandoon si Maria, may suot ngang ID pero wala namang suot na nektay kasi namann daw ay wala namang nakalagay na "NO NECKTIE, NO ENTRY," depensa pa ng lokong Maria. Si Ondo naman ay nakapolo nga pero wala paring pinagkaiba sa mga tambay sa kanto sapagkat polo'y hindi nakabotones at ang nakasapaw pa na T-shirt sa loob ay hindi puti kundi de-kolor at samahan pa ng pantalong punit-punit sa sadyang pinunit pararaw maging "unique" at 'yon daw ay "passion", ay este "fashion" pala.

Ang pangit tingnan, ang kagalang-galang at pinagmamalaking unibersidad ay binaboy ng mga estudyanteng kahit sa kanilang mga sarili'y mga walang galang din. Mag-isip at magmuni-muni. Magsuot ng tamang uniporme. Hindi na naman natin kailangan pa ng malaking saynbord sa loob ng paaralan na nagsasabing "NO ID, NO ENTRY," o kung ano pa man. Bigyan nating galang ang ating mga sarili at ang ating unibersidad na pinapasukan. Mas kaaya-aya sa loob hindi ba na sa susunod na itanong mo sa iyong sarili kung "AKO BA'Y ISANG ESTUDYANTE?," ay hindi ka na magdadalawang isip sa pagsagot ng salitang "OO, AKO'Y ISANG ESTUDYANTE SA LOOB AT SA LABAS!"

1 comment:

aiza crizel adame said...

dapat talagang maging responsable tayo bilang isang estudyante lalong-lalo na ang pagsout ng tamang uniporme sapagkat ito ay isa sa tanda na tayo ay isang estudyante