Tuesday, September 30, 2008
"ang nalalapit na eksaminasyon" nina: Nordelyn Lasaca at Girlie Balagulan
Samahang Walang Iwanan
Hindi nawawala ang mga grupohang gawain o group works. sa aming grupo hindi maaalis na mayroong mga dependent. Lagi na lamang nagpapagawa ng gawaing bahay sa mga kaibigan. Sa ganitong mga pangyayari kami na lang ang umiintindi sa kanila. Subalit may mga panahon ding sila naman ang gumagawa para sa amin kumbaga "give and take". Ngunit mas marami mas masaya at madaling matapos, ika nga "two heads are better than one".
Sa panahong ako'y walangwala, sila ang aking mga sandigan.Hindi ko talaga makalimutan ang isang pangyayaring lalong nagpatatag sa aming samahan. Yaong mga panahong walang wala ako. Kahit alam kong naghihikaos din sila hukingi parin ako ng tulong. Kahit na mga advice lang okey na yon sa akin basta't nandiyan sila para sa akin.
Ngayon kahit na marami akong ginagawa hindi ko nakakaligtaang magtext sa kanila. Dahil alam kong nag-aalala din sila sa akin. Kaya sa lahat ng makakabasa nito naway mayroon din kayong mga kaibigan na inyong sandalan sa panahon ng kawalan.
Monday, September 29, 2008
RESPONSIBILIDAD MO BA, SA PAG-SOUT NG UNIPORME SA LOOB NG PAARALAN? ni Epal, Marlon at Caballero, Mel Chris.,
Thursday, September 25, 2008
NO TO PORNOGRAPHY!!!
"Pornography is the manipulation of nude male and female form out of context, and into a position or posture that provokes the observers to think about possessing the body of the model for sexual pleasure". Ang pornograpiya ay maaaring nasa anyo ng compack disk, video tape, larawan, magazine at ngayo'y nasa "internet". Ito ay sumasang-ayon rin sa mga baluktot na sekswal na pantasya ng mambabasa at ang sunod na hakbang nito ay ang pagsasabuhay sa nabasa o sa mga nakikitang malalaswang imahe at " sa video".
Sa ibang kadahilanan, ang pornograpiya ay lantarang nakikita ito ng mga kabataan at mga batang nagsisimula pa lamang mahubog ang isipan, kaya'y hindi maipagkakaila na ito'y isa rin sa mga dahilan sa panibago, bugkos, maling pananaw ng mga kabataan sa seks. Napakalaki ang ginagampang papel ng magulang upang mailayo ang kanilang mga anak sa masamang dulot ng pornograpiya. Ang kanilang patnubay ang higit na kinakailangan.
Sa mga estudyanteng katulad natin, ang pagtangkilik sa pornograpiya ay masasabing mali. Sapagkat ito ay nagdudulot sa ating pagiging agresibo na pasukin ang mundo ng seks. Kaya ito ay kadalasang nauuwi sa magaang pag-aasawa o di kaya'y paggawa ng isang krimen, katulad ng panghahalay.
Naniniwala rin ako na hindi ito maka-Diyos at ito'y labag sa alituntuning maka-Kristiano. Ang paglaganap ng pornograpiya ay palatandaan ng pagkawasak ng moralidad at espirituwal ng tao. Nagdudulot ito ng maling damdamin, pananaw at paniniwala sa tunay na layunin ng Diyos sa seks. Panahon na para mahigpit nating ipagbawal ang pornograpiya, alang-alang sa magandang kinabukasan ng bawat kabataan, kababaihan at tahanan.
Tuesday, September 23, 2008
computer access sa elib by Jezzel Diez & Almira Aban
Magandang Araw mga kapwa mag-aaral!
“NO I.D, NO ENTRY”
Nina Chenie Samillan, Liezyl Sapid,
Aileen Joy Ferrer at Yhannah Kris Gaking
Nagpalabas ng memorandum si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo sa lahat ng unibersidad na dapat lahat ng estudyante, faculty, staff at kahit na sino mang gustong pumasok sa paaralan ay dapat magsuot ng “Identification Card o I.D”. Kaya naman sa ngayon ay ipinapatupad ng ating institusyon ang panukalang “NO I.D, NO ENTRY”. Sa kasalukuyan ay mahigpit ang siguridad ng mga guwardiya; ito rin ay upang makaiwas sa terorismo. Makikita talaga na kung walang I.D bawal pumasok at sila’y walang kinikilingan mapa guro o estudyante man.
Ipinapatupad ang panukalang ito upang magkaroon ng silbi ang ating I.D dahil halos lahat ng mag-aaaral kabialng narin kami ay hindi isinusuot; inilalagay lamang sa bag at bulsa. Makakatulong din ito upang matukoy kung saan nag-aaral ang isang estudyante. Dito rin masusuri kung disiplinado ba sila at kung marunong ba silang sumunod sa mga patakaran ng paaralan.
Kaya USEPIANS! Aja! Mag- I.D na!
BAKIT NGAYON LANG NAIMPLEMENTA
ANG "NO I.D, NO ENTRY"?
Nina Eduardo Gani, Rosell Villarmia at Angelo Lariosa
Alam nating lahat na ang I.D ay importante sa isang paaralan hindi lamang ditto kundi sa iba ring instituryon. Sa pagbukas pa lamang ng unang semester ay inimplementa na ang “NO I.D, NO ENTRY”. Subalit sa aming napansin ay hinhi ito nagging epektibo sapagkat nakakapasok pa rin ang mga estudyanreng walang I.D. Pero nitong huli ay sinunod na ang patakarang ito subalit para sa mga estudyante ay huli na ng ipinatupad ito sapagkat malapit ng matapos ang unang semester sa taong ito. Naging mahirap din ito para sa kanila sapagkat nakasanayan na nila ang hinhi pagsuot nito.
Ganun pa man, malaking tulong narin ito upang maiwasan ang terorismo sapagkat napapadalas na ang pambobomba ngayon lalong-lalo na sa
nina Girlie Jean Balagulan at Mejoy Virador
I.D gaano ka ba kahalaga
Ikaw ba’y nagbibigay halaga
Sa mga batang nag- aaral pa
At ano nga ba ang gamit mo sa iba?
NO I.D, NO ENTRY
Patakaran kahit saan mang University
Sinusunod ba ito sa mga estudyante
Sa pagpasok nila sa paaralan palagi?
Binigyang pansin ba ang halaga mo
Sa mga estudyanteng gumagamit sayo
Ikaw nga ba’y dapat isuot
O gamit lang para makapasok?
Sadyang napakahalaga mo
Kaya’t dapat pahalagahan ka
Nang sumusuot sayo
NO I.D, NO ENTRY
Dapat talagang ipatupad
Lalong-lalo na sa malaking Unibersidad
Na kabilang dito sa ating siyudad.
"NO I.D. NO ENTRY"
by: Arlyn Narisma
Monday, September 22, 2008
"ESTUDYANTE KA BA?" nina Krehan John Dianne V. Santos at Leah Dee Suyman
Ikaw nga'y nag-aaral, ginagawa ang lahat ng mga bagay para makakuha lamang ng mga malalaking marka sa pagbabasakaling mapasama sa listahan ng mgsa Dean's Listers o DL, pero kapag ikaw ba'y pumapasok sa loob ng paaralan, ikaw ba'y nakasuot ng uniporme? Unipormeng may nakAsabit na nektay at ID? Unipormeng ang nakasapaw na T-shirt sa loob ay hindi de-kolor kundi puti? Unipormeng ang pantalo'y maayos, kasing ayos sa iyong pinapasukang kagalang-galang na unibersidad? Ngayon, iyong sagutin ang katanungan, "Ikaw ba'y isang estudyante?"
Pagbaba sa jeep, ayon si Inday, saka pa lamang nagsuot ng ID sapagkat si Papay na guwardiya sa eskwelaha'y nakaharang sa gate, handang sumita ng mga estudyanteng walang suot na ID. Sa kabilang banda naman ay nandoon si Maria, may suot ngang ID pero wala namang suot na nektay kasi namann daw ay wala namang nakalagay na "NO NECKTIE, NO ENTRY," depensa pa ng lokong Maria. Si Ondo naman ay nakapolo nga pero wala paring pinagkaiba sa mga tambay sa kanto sapagkat polo'y hindi nakabotones at ang nakasapaw pa na T-shirt sa loob ay hindi puti kundi de-kolor at samahan pa ng pantalong punit-punit sa sadyang pinunit pararaw maging "unique" at 'yon daw ay "passion", ay este "fashion" pala.
Ang pangit tingnan, ang kagalang-galang at pinagmamalaking unibersidad ay binaboy ng mga estudyanteng kahit sa kanilang mga sarili'y mga walang galang din. Mag-isip at magmuni-muni. Magsuot ng tamang uniporme. Hindi na naman natin kailangan pa ng malaking saynbord sa loob ng paaralan na nagsasabing "NO ID, NO ENTRY," o kung ano pa man. Bigyan nating galang ang ating mga sarili at ang ating unibersidad na pinapasukan. Mas kaaya-aya sa loob hindi ba na sa susunod na itanong mo sa iyong sarili kung "AKO BA'Y ISANG ESTUDYANTE?," ay hindi ka na magdadalawang isip sa pagsagot ng salitang "OO, AKO'Y ISANG ESTUDYANTE SA LOOB AT SA LABAS!"