Estudyante ka ba talagang tunay o kunwaring estudyante lang?
Marami sa mga estudyante ngayon ang hindi marunong sumunod sa mga batas sa paaralan. Marami rin ang mga estuyante ngayon na nagtatamad-tamaran at nagbubulag-bulagan sa mga obligasyon nila bilang estudyante. Hindi na bago sa mga paaralan ang mga ganitong bagay ngayon. Kagaya na lamang ng I.D o di kaya ng tamang uniporme. Maging responsible sana ang mga estudyante at huwag maging tamad na sumunod sa mga regulasyon sa paaralan. Ang hindi pagsuot ng tamang uniporme ay dapat sanang aksyonan o amyendahan ng mga security guard at pati na rin sana ng mga faculty at staff members ng unibersidad. Dapat sana ay maghigpit ng mabuti ang mga security guard sa pagpasok ng mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa mga alatuntunin sa unibersidad.
At hindi narin sana hinintay pa ng mga miyembro ng unibersidad ang memorandum galling sa “MalacaƱang” na “no ID no entry Policy”.
Dapat noon pa nila ito ipinasabatas para noon pa lang ay nadisiplina na ng mabuti ang mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa mga regulasyon sa unibersidad.
Kaya bawat estudyante may obligasyon sa isang paaralan. Panindigan natin na tayo ay responsibleng estudyante upang sa ganon malayo an gating mararating. Sarili rin natin ang makatutulong sa pag-unlad n gating paaralan. Kaya huwag tayong magtamad-tamaran at magbulag-bulagan upang tayo ay magin isang ganap na estudyante.
By:Ailane Joy Ferrer
Tuesday, October 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
estudyante ka ba talagang tunay???
kung ika'y isa talagang estudyante bat hindi ka sumusunod sa patakaran ng ating paaralan?.bat sinusuway mo ang mga obligasyon mo sa paaralan?. kung tunay ka talagang estudyante bat hindi mo magawang mg uniporme o mg I.D man lamang???ano ang tingin mo sa ating paaralan MALL?? isipin mo na ng-aaral ka sa standard school tapoz babaliwalain mo lang ang patakaran ng ating paaralan?.dapat nga ipagmalaki mo na dyan ka nakapasok sa paaralan na ito.
amin lang sa lahat ng mga estudyante na ganito ang ginagawa nila. dapat na tayong magbago upang maging matiwasay ang kalooban ng ibang estudyante..at upang maging maganda tingnan ang ating paaralan na lahat ng mga estudyante ay naka uniporme at naka I.D..At pahabol panindigan natin ang ating obligasyon sa ating paaralan...salamat
by:joannah agunat og lou-ann guinang
Post a Comment