
Semestral break, ika nga ng nakakarami ito'y pananadaliang bakasyon ng mga estudyante at mga professor. Mula sa ating pagsusnog ng kilay, sa mga gabing pagpupuyat para gumawa ng ulatin, proyekto at takdang arain uang makamit ang minimithing GWA at sa pitong pisong regular fare na araw-araw ay ating dinudukot sa ating mga bulsa o di kaya’y wallet.
At ngayon dahil nalapit na an gating semestral break USEPian, ano na? USEPian, bago natin kalimutan ang lahat ng school works: mga proyekto, takdang aralin, at reports. USEPian, bago tayo mag-aliw sa ating bakasyon o di kaya’y umuwi ang ilan sa atin sa kani-kanilang mga probinsya, ay isipin nating wala tayong makakaligtaang makabuluhang datos na kinakailangan sa ating finals. Kapag walang iniisip na problema, disturbo ay magiging matiwasay ang ating bakasyon.
Huwag ding kaligtaan, USEPian na pasalamatan at bigyang rekognisyon ang mga taong nagbigay ng oras, panahon at tulong sa abot ng kanilang makakaya upang tayo’y mas mabuting tao hindi lamang sa aspetong pisikal kundi kabilang din sa aspetong emosyonal.
Sa ating mga magulang, sa pagiging palaging andyan hindi lamang sa pagtuturo sa ating pisikal na pangangailangan na walang sinumang tao sa balat ng lupa na makakapantay at makakapalit sa kanila sa ating mga puso. Salamat.
Sa ating mga professor, sa kanilang pagbabahagi at pagtuturo ng kanilang kaalaman, sa pagdi-disiplina sa ating mga hindi kanais-nais na Gawain at sa pagtayong pangalawang magulang natin ditto sa unibersidad. Salamat.
Sa ating mga ka-blockmates, pasasalamat ay dapat igawad sa kanila. Sa mga ngiti, tawa, halakhak at sa suporta na ibinabahagi ng bawat isa sa atin. Salamat.
Sa ating mga kasangga sa buhay, ka-tropa, ka-batak, ka-barkada at sa lahat ng tawag natin sa ating mga kaibigan. Sa kanilang balikat na ating sinasandalan, sa kanilang ibinigay na na payo mula sa pighati na bigay ng buhay. Salamat.
Sa mga taong ating nagging inspirasyon, na nagging dahilan saan gumuhit ito ng ngiti sa bawat labi natin. Salamat.
Sa ating Maykapal, sa Kaniyang kabutihan at higit na pagmamahal sa sangkatauhan. Sa pagiging “Great Provider”, na nagbibigay biyaya sa atin sa bawat araw na ipinagkaloob Niya. Salamat Panginoon.
USEPian, isipin natin kung …Ano na?