by:Philip Dave Cajes & Belle Colleen Bato
Davao city,tinaguriang “MOST LIVABLE CITY” ng bansa. Makikita ito sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan,seguridad at pati na rin sa kalinisan. Subalit dagdag pa sa mga ito, tanyag din ang ating lungsod dahil sa tanging tayo lamang ang nagpapatupad ng Comprhensive Anti-smoking ordinance no. 0423, sang ayon na rin sa Tobacco Regulation act O Batas Pambansa blg. 9211.
Kabilang sa mga probisyon nito ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampumplikong lugar at sa pagpapatalastas at pagbibenta ng sigarilyo sa mga establisyementong gaya ng paaralan.Sa katunayan ay kinakailangang walang binibentang sigarilyo isang daang metro mula sa paaralan.
Bilang isang unibersidad sa lungsod ng Dabaw, Sinasalamin ba ng ating pamantasan ang pagbibigay pangil sa batas? Ilang mga karatula ba ang nabasa mo? At ang mas malaking katanungan, NASUNOD BA ANG NAKASULAT SA KARATULA? Boses mo ang kailangang marinig kaya……TINGOG NA USEPIAN
Karatula? Anong silbi mo?
Nina: Yhannah Kris Gaking at Eduardo Gani
Sa matataas na pamantasan, ano ba ang silbi ng karatulang “no smoking”? Isa lamang ba iyang disenyo o isang babala na dapat sundin? Nakakalungkot isipin na ang mga estudyanteng nakakabasa nito ay isinasawalang bahala lamang ito.
Naitatanong ba natin sa ating sarili kung bakit marami ang naninigarilyo gayong alam naman natin na ito’y walang mabuting epekto sa ating kalusugan? Ang katotohanag ito ay hindi maipagkakaila, halimbawa lamang ang ating paaralan, karamihan sa mga estudyante ay naninigarilyo kahit ubo na nang ubo, matigas ang ulo. Ganyan ba ang “estudyante ng bayan”? mukhang walang pinag-aralan.
May iba naman diyan, di nga naninigarilyo subalit nagbubulag- bulagan lamang. Imbes na pagsabihan ang mga adik na nilalang, dinadaanan lamang at walang pakialam.
Kaya USEPIANS, tingog! Isinggit sa katawhan! Kailan paba tayo kikilos?
MGA TAONG DAPAT NA UMAKSYON
Nina Rexter, Junalyn at Kezia
Isa sa karapatdapat na magtuon ng pansin laban sa mga “SMOKER” ay an gating mga guro dahil sila ang may karapatan sa pag-implementa ng mga alituntunin laban sa paninigarilyo sa loob ng kampus. Sila ay may mas maliking karapatan sa pagsita. Bilang mga guro ng isang institusyon may karapatan silang gumawa ng alituntunin laban sa paninigarilyo ng mga estudyante pati na ang mga taong nasa o part eng institusyon. Ngunit aminin man natin o hindi, tanggap man o di tanggap may mga guro na imbis na maging mga modelo ay sila pa mismo ang sumisira sa kanilang imahe bilang mga idolo. Ang mga guro ay dapat na siyang maging modelo sa mga estudyante laban sa pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng kampus. Upang maipatupad nila ang alituntuning ito at dapat sundin ng mga estudyante, kaylangan nilang maging modelo, modelo na nararapat na idolohin at tularan.. PAANO KAYA MANGYAYARI YON? Simple lang, sila dapat ang unang sumunod sa alituntunin at gawing posble na maipatupad ang batas laban sa paninigarilyo.
Tula
Nina Beltran at Ryan
Tingnan mo mula sa malayo
Animoy isang putting alapaap
Nang aking masamyo
Mabahong usok aking nalanghap
Akala moy nag-aaral sa lilim ng puno
Isang sigarilyo pala ang hawak ni Toto
Hindi mo baa alam na bawal ito?
Itoy isang gawaing hindi matino
Kung ikaw ang paaralan,
Nanaisin mo bang apakan?
Ditoy mag-aaral at natuto ng mabuting gawa
Isaisip mo sana ito, isapuso at isagawa
Disiplina ay dapat sa sarili manggaling,
Nang tayoy respetuhin ng kapwa natin
Nasa tabi lang at handa kang tanggapin
Kaya sigarilyo’y iwasan, kalusugan ay mahalin.
Mga USEPIAN,at sa lahat ng tao, itoy hindi pangungutya
isa lamang itong paalala na ang paninigarilyo ay nakakasama
sa kalusugan natin. Sana sa bawat hithit ay ating matanto na
habang umiikli ang sigarilyo ganun din ang nangyayari sa buhay mo.
Kaya nga SMOKERS DONT GROW OLD KASI THEY DIE YOUNG.
MAG-ISIP-ISIP KANA USEPIAN. KAILANGAN KA PA NG BAYAN
11 comments:
Sa smoking act, siguro nga dapat na umaksyon ang USeP-Mintal Administration dahil nga sila ang nasa posisyon para ipatupad ito sa college. Isa pa tayong mga studyante ang dapat makialam kasi tayo ang ika kritiko ng ating paligid.
About naman sa tula Nice sya.
nels_sugur
kinakailangan talagang umaksyon di lamang ng mga guro pati na rin tayong mga estudyante upang maging mas mabisang ang inimplementang batas ng ating gobyerno.
about sa tula,two thumbs up!
Let us be responsive and...
TINGOG USEPian.
Sa pagpasok mo palang sa loob ng paaralan ay may malaking plaka ka nang makikita na "NO SMOKING" pero marami paring lumalabag. Ang pangit tingnan na isang ginagalang na unibersidad pero pagpasok moy puro mga walang galang na mga taong humihithit ng kani-kanilang brand ng sigarilyo. Kung hindi na talaga nila kayang pigilan ang kanilang mga sarili sa sinasabing bisyo ay dapat gumawa na ang kung sinuman ang may responsibilidad nito. Bakit hindi maglagay ng SMOKING AREA sa paaralan para kahit buong araw humithit ng sigarilyo ang sinuman ay sila lang ang makakalanghap ng usok nito na di lang simpleng sakit ang naidudulot.
sa ating kapaligiran,, hindi natin maiiwasan ang mga ganyang bagay. dapat tayong mga estudyante ay dapat nating isipin at kontrolin ang ating mga ginagawa,kung ito ba ay makakabuti o hindi makakabuti, dahil tayo ay may kanya-kanyang limitasyon sa ating buhay.. at dapat na rin ang mga mamumuno at mag-aaral ng ating paaralan ay dapat masigasig sa pag implementa ng ating batas.. yun lang.
marwen_lato said that......
magkaroon lamang ng katuparan ang ating mga hinaing kapag nagsasanib pwersa ang mga guro at mga mag-aaral.Totoo na ang ating institusyon ay nahaharap sa ganitong problema ang pagkalat ng mga SMOKERS. Kaya sama- sama tayo at magka-isa para labanan ang problemang sagabal sa ating pag- unlad. Maging responsable sana tayo.....
dapat nga na umaksyon ang administrasyon dahil marami paring naninigarilyo sa loob ng campus.kahit na mayruong ordinansa na ipinapatupad ang city government na bawal ang manigarilyo sa mga publikong lugar at publikong mga paaralan. Ngunit may mga guro ang nauunang manigarilyo sa loob ng campus. Imbis na sila ang magbadlong pero sila pa ang nauuna. Kaya maraming mga estudyate ang gumagaya sa kanila. Yun lang ang masasabi ko.
dali ra ang anti smoking act basta wala nay mga prof. na manigarilyo inside the campus. para mabadlong pa ang mga studyante na manigarilyo pud.
kailangan naman talagang ipatupad ang accreditation sa ating pamantasan dahil tayo rin naman ang nakikinabang nito at hindi nalang natin iisipin ang tungkol sa kung saan patutungo ang ating mga pinaghirapan o pinagsikapan ang importante ay nakakabenepisyo tayo sa mga ito.
ailane_com
dapat nga tayong umaksyon na mga magaaral sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. huwag nating hintayin na ang iba pa ang umaksyon.Maging handa at responsable sa ating kapaligiran.
oo nga...diba nag aaral tayo upang matuto.. o bakit hindi parin matutong sumunod sa batas..o bakit ngayon marami paring istudyanteng lumalabag sa batas..mas mabuti pa iyong walang pinag aralan..kasi sinusunod nila ang batas..marunong naman tayong mag basa diba...bakit di kayang sundin ang karatulang"NO SMOKING"..kaya wag ng maging bulag..ok
vary relevant ang topic at up to date ang mga impormasyon. Very well said mga klasmeyts. dapat ay maging responsable tayo sa ating mga kilos. Tandaan natin na di hawak ng anumang karatula ang ating buhay. Dapat din ay marunong tayong magdesisyon para sa ating mga sarili. nasa atin na rin kung patuloy nating pahihirapan ang ating mga sarili sa paninigarilyo. Ika nga LIFE IS A MATTER OF CHOICE. Mag isip-isp ka na sapgkat kalusugan mo amg nakataya....dave cajes
Post a Comment