Hindi maipagkakailang nakaramihan sa mga estudyante natin ngayon lalong lalo na ang mga nasa kolehiyo ay masasabi nating mga iskolar.Sila yung mga estudyante na dahil sa angking galing at talino ay nabibigyan ng pagkakataong makapag aral sa mga unibersidad.Maraming uri ng scholarship na iginagawad sa mga piling estudyante ,at karamihan sa mga sumusuporta rito ay ang mga nasa pampubliko at pribadong ahensya at ang iba pa rito ay sinusuportahan ng mga pulitiko.Ngunit kahit ano mang uring scholarship meron tayo, ang mahalaga ay magampanan natin ang responsibilidad na kaakibat nito. Bilang isang iskolar, responsibilidad nito na sundin ang bawat patakarang inilatag ng mga ahensyang gumagawad ng mga scholarship. Kalimitan sa mga patakarang ito ay ang pagpasa o pagpapakita ng magandang performance ng grado o hindi naman kaya ay ang pag abot sa nararapat na grado upang mapanatili ang pagiging isang iskolar.
Ilan sa mga scholarship na meron tayo dito sa ating unibersidad(University of Southeastern Philippines USEP) ay ang sumusunod, ang una, ito ang tinatawag na "NOGRALES SCHOLAR" kung saan sinusuportahan ito ng ating Former House Speaker Prospero Nograles,. Dito kinakailangan ng mga iskolar na maipasa ang kani-kanilang mga subject o unit upang mapanatili ang kanilang pagiging iskolar.Ang pangalawa ito naman ang tinatawag na "UNIVERSITY SCHOLAR", ang unibersidad ay may tinatawag na standard grade, kung maabot ito ng isang estudyante ay makakakuha siya ng prebilihiyo sa scholarship,kailangan lang dito na panatilihin ang matataas ang grado upang manatiling iskolar ng unibersidad.May tinatawag ding mga STUDENT ASSISTANT (SA) bilang isang S.A hindi lang talino kundi tiyaga ang kailangan sili ang tumutulong at naglilingkod sa unibersidad, halimbawa ng ginagawa nila ay pagtulong sa gawain sa library tuwing free time.
Bukod sa mga nabanggit, marami pang uri ng scholarship ang maaring e-vail ng mga estudyante. Kung sila talaga ay determinadong makapagtapos pero walang maigastos, ang scholarship ang isa sa mga magandang paraan para rito. Ang kailangan lang ay maging responsable at maging matiyaga sa pag aaral para hindi maaksaya ang opurtunidad na ibinigay ng ibang tao sa atin. Wika nga nila "Pag may Tiyaga may Nilaga....................."
5 comments:
comment by:Girlie Jean Balagulan
Ayon sa aking nabasa kailangan talaga nating pahalagahan ang ating pag aaral sa pamamagitan ng pagtitiyaga at determinasyon.Maganda ang paghikayat mo sa mga iskolar para maging matiyaga pa sila.Sana nagsaliksik kapa sa lahat ng scholarship nanandito sa ating unibersidad para malaman ng mambabasa kung ilan na ang nagbibigay ng oppurtunidad sa mga batang matatalino sa ating lipunan.
napakaganda ng iyong mensahe..sana nga ay magtiyaga ang mga scholars upang makamit nila ang tagumpay pagdating ng tamang panahon...at sa tulong narin ng poong maykapal......
comment by Mejoy Virador
Magaling mong naihatid ang iyong nakita sa mga estudyanteng naging iskolar ngayon......na dapat ang iskolar ngayon ay bigyang halaga ang iskolar na iginawad sa kanila......
Maganda ang iyong mensahing ipinabatid sa iyong komposisyon..
Sana magtiyaga ang mga iskolar sa kanilang pag-aaral upang magtagumpay sila sa kanilang buhay.........
ang ganda ng mensahe...oo nga tiyaga ang kailangan upang matamo ang inaasam na grado...tama talaga na pag may tiyaga may nilaga..at para narin sa ating ikatagumpay sa tamang panahon..mag-aral talaga tayo ng mabuti.
a.k.a ; Marwen Lato
Malaki talaga ang ginagampanan na resposibilidad ng isang iskolar. Isa itong opportonidad ng isang mag-aaral na di kayang tustusan ang pangailalangang pinansyal ng kanyang mga magulang. At tama rin na dapat syang magsikap sapagkat ito lamang ang kapalit sa pagiging iskolar nya..
Post a Comment