Thursday, July 24, 2008
Magandang Araw Muli Mga Minamahal Naming Mambabasa!!!
Isang bagong paksa na naman ang ating pag-uusapan sa posting naming ito. ang accreditation, kailangan nga ba ng pamantasan natin ito? Pag-uusapan natin, iparinig mo ang boses mo, TINGOG USEPIANS!!!!!!!!!
Bagong University Mission, Vission, at Objectives, adopt a classroom program at mas pinaigting na pagtatama sa uniporme, iilan lamang ito sa mga kakambal ng salitang accreditation. Kasali rin ang pagpapasaulo sa mga ustedyante ng bagong university VMGO. Dahil dito samu't saring mga komento ang aming naririnig, may mga umaalma at mayroon din namang sumasang-ayon, kaya halina't timbangin natin ang mga sakripisyong kaakibat nito.
Bilang isang pamantasang pinupondohan ng gobyerno/ higit na kailangan ng ating pamantasan ang pumasa sa ganitong proseso. Alam mo ba kung bakit? Naayon ang budget na inilalaan sa ating paaralan sa ating paaralan sa antas ng ating mga naipasang aplikasyon para sa accreditation ang perang dapat na ilaan para sa atin. Ang ibig sabihin nito kung mataas ang antas ay malaki rin ang ating perang matatanggap mula sa pamahalaan at vise- versa.
Isa rin sa mga benepisyong makukuha ng mga estudyanteng gradweyt ng Unibersidad na accredited ay mas mataas ang posibilidad ng pagkakatanggap sa trabaho. Higit ding mataas ang moralidad ng mga nagtapos sa pamantasang accredited.
Subalit malaki rin ang perang ibinubuhos ng ating pamantasan upang makamit ang minimithing accreditation. Pinaayos ang mga pasilidad at gumastos para sa mga fire extinguishers at marami pang iba. Subalit ang pinakamalaking responsibilidad sa pagpasa nito ay nakaatang sa mga balikat nating mga mag-aaral. Tumulong ka USEPIAN, ibangon mo ang karangalan ng ating paaralan, MAKIISA KA!
Tuesday, July 15, 2008
ANTI-SMOKING
by:Philip Dave Cajes & Belle Colleen Bato
Davao city,tinaguriang “MOST LIVABLE CITY” ng bansa. Makikita ito sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan,seguridad at pati na rin sa kalinisan. Subalit dagdag pa sa mga ito, tanyag din ang ating lungsod dahil sa tanging tayo lamang ang nagpapatupad ng Comprhensive Anti-smoking ordinance no. 0423, sang ayon na rin sa Tobacco Regulation act O Batas Pambansa blg. 9211.
Kabilang sa mga probisyon nito ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampumplikong lugar at sa pagpapatalastas at pagbibenta ng sigarilyo sa mga establisyementong gaya ng paaralan.Sa katunayan ay kinakailangang walang binibentang sigarilyo isang daang metro mula sa paaralan.
Bilang isang unibersidad sa lungsod ng Dabaw, Sinasalamin ba ng ating pamantasan ang pagbibigay pangil sa batas? Ilang mga karatula ba ang nabasa mo? At ang mas malaking katanungan, NASUNOD BA ANG NAKASULAT SA KARATULA? Boses mo ang kailangang marinig kaya……TINGOG NA USEPIAN
Karatula? Anong silbi mo?
Nina: Yhannah Kris Gaking at Eduardo Gani
Sa matataas na pamantasan, ano ba ang silbi ng karatulang “no smoking”? Isa lamang ba iyang disenyo o isang babala na dapat sundin? Nakakalungkot isipin na ang mga estudyanteng nakakabasa nito ay isinasawalang bahala lamang ito.
Naitatanong ba natin sa ating sarili kung bakit marami ang naninigarilyo gayong alam naman natin na ito’y walang mabuting epekto sa ating kalusugan? Ang katotohanag ito ay hindi maipagkakaila, halimbawa lamang ang ating paaralan, karamihan sa mga estudyante ay naninigarilyo kahit ubo na nang ubo, matigas ang ulo. Ganyan ba ang “estudyante ng bayan”? mukhang walang pinag-aralan.
May iba naman diyan, di nga naninigarilyo subalit nagbubulag- bulagan lamang. Imbes na pagsabihan ang mga adik na nilalang, dinadaanan lamang at walang pakialam.
Kaya USEPIANS, tingog! Isinggit sa katawhan! Kailan paba tayo kikilos?
MGA TAONG DAPAT NA UMAKSYON
Nina Rexter, Junalyn at Kezia
Isa sa karapatdapat na magtuon ng pansin laban sa mga “SMOKER” ay an gating mga guro dahil sila ang may karapatan sa pag-implementa ng mga alituntunin laban sa paninigarilyo sa loob ng kampus. Sila ay may mas maliking karapatan sa pagsita. Bilang mga guro ng isang institusyon may karapatan silang gumawa ng alituntunin laban sa paninigarilyo ng mga estudyante pati na ang mga taong nasa o part eng institusyon. Ngunit aminin man natin o hindi, tanggap man o di tanggap may mga guro na imbis na maging mga modelo ay sila pa mismo ang sumisira sa kanilang imahe bilang mga idolo. Ang mga guro ay dapat na siyang maging modelo sa mga estudyante laban sa pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng kampus. Upang maipatupad nila ang alituntuning ito at dapat sundin ng mga estudyante, kaylangan nilang maging modelo, modelo na nararapat na idolohin at tularan.. PAANO KAYA MANGYAYARI YON? Simple lang, sila dapat ang unang sumunod sa alituntunin at gawing posble na maipatupad ang batas laban sa paninigarilyo.
Tula
Nina Beltran at Ryan
Tingnan mo mula sa malayo
Animoy isang putting alapaap
Nang aking masamyo
Mabahong usok aking nalanghap
Akala moy nag-aaral sa lilim ng puno
Isang sigarilyo pala ang hawak ni Toto
Hindi mo baa alam na bawal ito?
Itoy isang gawaing hindi matino
Kung ikaw ang paaralan,
Nanaisin mo bang apakan?
Ditoy mag-aaral at natuto ng mabuting gawa
Isaisip mo sana ito, isapuso at isagawa
Disiplina ay dapat sa sarili manggaling,
Nang tayoy respetuhin ng kapwa natin
Nasa tabi lang at handa kang tanggapin
Kaya sigarilyo’y iwasan, kalusugan ay mahalin.
Mga USEPIAN,at sa lahat ng tao, itoy hindi pangungutya
isa lamang itong paalala na ang paninigarilyo ay nakakasama
sa kalusugan natin. Sana sa bawat hithit ay ating matanto na
habang umiikli ang sigarilyo ganun din ang nangyayari sa buhay mo.
Kaya nga SMOKERS DONT GROW OLD KASI THEY DIE YOUNG.
MAG-ISIP-ISIP KANA USEPIAN. KAILANGAN KA PA NG BAYAN