Tuesday, August 26, 2008

Responsibilidad ng mga Iskolar

Hindi maipagkakailang nakaramihan sa mga estudyante natin ngayon lalong lalo na ang mga nasa kolehiyo ay masasabi nating mga iskolar.Sila yung mga estudyante na dahil sa angking galing at talino ay nabibigyan ng pagkakataong makapag aral sa mga unibersidad.Maraming uri ng scholarship na iginagawad sa mga piling estudyante ,at karamihan sa mga sumusuporta rito ay ang mga nasa pampubliko at pribadong ahensya at ang iba pa rito ay sinusuportahan ng mga pulitiko.Ngunit kahit ano mang uring scholarship meron tayo, ang mahalaga ay magampanan natin ang responsibilidad na kaakibat nito. Bilang isang iskolar, responsibilidad nito na sundin ang bawat patakarang inilatag ng mga ahensyang gumagawad ng mga scholarship. Kalimitan sa mga patakarang ito ay ang pagpasa o pagpapakita ng magandang performance ng grado o hindi naman kaya ay ang pag abot sa nararapat na grado upang mapanatili ang pagiging isang iskolar.
Ilan sa mga scholarship na meron tayo dito sa ating unibersidad(University of Southeastern Philippines USEP) ay ang sumusunod, ang una, ito ang tinatawag na "NOGRALES SCHOLAR" kung saan sinusuportahan ito ng ating Former House Speaker Prospero Nograles,. Dito kinakailangan ng mga iskolar na maipasa ang kani-kanilang mga subject o unit upang mapanatili ang kanilang pagiging iskolar.Ang pangalawa ito naman ang tinatawag na "UNIVERSITY SCHOLAR", ang unibersidad ay may tinatawag na standard grade, kung maabot ito ng isang estudyante ay makakakuha siya ng prebilihiyo sa scholarship,kailangan lang dito na panatilihin ang matataas ang grado upang manatiling iskolar ng unibersidad.May tinatawag ding mga STUDENT ASSISTANT (SA) bilang isang S.A hindi lang talino kundi tiyaga ang kailangan sili ang tumutulong at naglilingkod sa unibersidad, halimbawa ng ginagawa nila ay pagtulong sa gawain sa library tuwing free time.
Bukod sa mga nabanggit, marami pang uri ng scholarship ang maaring e-vail ng mga estudyante. Kung sila talaga ay determinadong makapagtapos pero walang maigastos, ang scholarship ang isa sa mga magandang paraan para rito. Ang kailangan lang ay maging responsable at maging matiyaga sa pag aaral para hindi maaksaya ang opurtunidad na ibinigay ng ibang tao sa atin. Wika nga nila "Pag may Tiyaga may Nilaga....................."

Responsibilidad ng mga Iskolar

Tuesday, August 19, 2008

Iskolar ng USEP ni Aiza Crizel Adame


Sinasabi na ang iskolar ay isang libreng pag-aaral ng mga estudyanteng gustong makamit ang mga mithiing inaasan-asam. Ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng hirap sa pangtutos sa pag-aaral lalong-lalo na kapag papasok sa pamantasan ng kolehiyo. Sa University of Southeastern Philippines (USEP), ay isa sa mga Unibersidad ng Pilipinas na may iba't-ibang klasing iskolars. May mga scholarships na nanggagaling sa mga institusyon, mga pulitiko,sa gobyerno o maging sa mismong Unibersidad. Kadalasan sa mga ito ay nangangailangan ng mataas na marka. May mga iskolar rin na tinatawag na susidize o nagbibigay lang ng suportang pinansyal walang hinihinging mataas na marka. Mapapalad ang mga estudyanteng iskolar dahil bukod sa libreng matrikula, ang iba pa ay may natatanggap na allowance. Hindi maipagkakaila na karamihan sa sinasabing Unibersidad ay mga iskolars. Ngunit may mga iilang estudyanteng iskolar ay nagkaroon ng markang "INC" at minsan ay bumabagsak pa. Bakit ganun? May iba pa na mayabang kung umasta, ni hindi nga alam kung anong klasing iskolar meron sila. Ganyan ba ang tinatawag na iskolar? Hay naku, tingog USEPIANS!!!

Monday, August 18, 2008

MAGAAN ANG ISKOLAR

by: Joan CadeliƱa

Ang iskolar ay isang prilibihiyong sa bawat sektor.Itoy ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang makatapos ng pag-aaral.Itoy mahalaga sa lahat ng mga estudyante na nag-aaral sa isang
unibersidad.
Iskolar ay isang magaan pakinggan ng bawat mga estudyante.Itoy nakakatulong sa atin lalo na ngayon na nagkakahikahos.Ang iskolar ay mahalaga sa lahat ng mga estudyante sa ngayon.Itoy nakakatulong sa atin lalo na sa atin mga magulang.Magaan ang iskolar dalhin,pero kung may bagsak itoy nakakasama sa atin,ang iba ay hindi naitutuloy ang kanilang pag-aaral ang iba ay lumipat ng paralaan.
Sa lahat ng mga iskolar dito sa ating unibersidad ay dapat tulungan ang sarili para makamit ang mga pangarap.Mag-aaral ng mabuti huwag masyadong tamad sa pag-aarl.Pagbutihin natin itong lahat dahil ito lang ang nagbibigay sa atin ng pagkakataon para lang makapag-aaral.